Gunman ng Davao model pinasusuko

January 7, 2023 by No Comments

Pinasusuko ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang gunman ng napaslang na negosyante at modelong si Yvonette Plaza sa Davao City noong Disyembre 28, 2022.

Personal na dumalo si Abalos sa conference sa Davao City Police Office kaugnay sa imbestigasyon sa pamamaril sa 38-anyos na biktima at nanawagan siya sa gunman na sumuko at panagutan ang nagawang krimen.

Pinaalalahanan ni Abalos ang gunman na may nakapatong na P1M pabuya sa ulo na kung hindi ito kusang loob na susuko ay posibleng ang mastermind sa krimen ang magpapatay sa kanya.

“Ako’y nanawagan kung nandyan yung gunman ngayon. May reward na nakapataw sa ulo mo, mag-ingat ka baka mamaya yung mismong nag-utos sa iyo ang papatay sa iyo rito. Kaya kung ako sa iyo, magdalawang-isip ka. Mas mabuting sumuko ka na,” panawagan ng kalihim.

Inatasan na rin umano ng DILG chief ang binuong Special Investigation Task Group (SITG) na madaliin ang pagtukoy sa mga pumaslang sa biktima upang mapanagot sa krimen. (Dolly Cabreza)

The post Gunman ng Davao model pinasusuko first appeared on Abante Tonite.