Ivana Alawi pinuna ang pagiging bitter sa kanya ni Vice Ganda

December 24, 2022 by No Comments

Pinuna ni Ivana Alawi ang pagiging bitter sa kanya ni Vice Ganda pati na ang masamang tingin sa kanya ng “Partners in Crime” co-star niya kapag nakatalikod siya.

Sa Instagram post ni Ivana ay kinatuwaan niyang lagyan ng aliw na caption ang picture nila ni Vice Ganda habang nakasakay sa float ng “Partners in Crime” sa ginanap ng Metro Manila Film Festival Parade of Stars.

Ayon sa caption ni Ivana, “Aba!! So pag naka talikod ako ganito mukha mo sakin?! 😡 Pa mine nalang ng partner ko!! @praybeytbenjamin

“Manood na ng Partners in Crime sa mga sinehan on December 25 para malaman bakit ang bitter ng partner ko sakin 🤪❤” (GLEN P. SIBONGA)

The post Ivana Alawi pinuna ang pagiging bitter sa kanya ni Vice Ganda first appeared on Abante Tonite.