Kelot nag-amok, kalaboso

November 8, 2022 by No Comments

Ibat-ibang asunto ang kinakaharap ngayon ng isang obrero nang magwala sa Navotas City kamakalawa.

Malicious mischief, alarm and scandal at Disobedience and Resistance to a Person in Authority or the Agent of Such Person ang kinakaharap ni Jobeth Villanueva, 38, taga-Barangay San Jose, Navotas.

Ayon kay PSSg. Reysie Penaranda, ng Navotas Police, alas 4:20 ng hapon, nagwala sa kalsada ang suspek at naghamon ng away sa bawat masalubong.

Nang mapadako sa tapat ng bahay ni Aaron Crisostomo, 22, pinagbalingan niyang sirain ang bakod ng huli.

Tumawag sa barangay ang mga kapitbahay na agad namang nagresponde at pinakalma ang suspek pero nagmura pa bago tumakas kaya hinabol na hanggang makorner.

Tikom ang bibig ng suspek kung bakit ito nagwala. (Orly Barcala)

The post Kelot nag-amok, kalaboso first appeared on Abante Tonite.