Kelot sinaksak ng tari sa ulo

November 30, 2022 by No Comments

DAHIL sa matagal ng alitan, inoobserbahan ngayon sa ospital ang isang lalaki nang resbakan ng kanyang kapitbahay at pagsasaksakin sa ulo gamit ang tari ng manok sa Tanza, Cavite Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Sulpecio Francisco y Casidsid, 41, ng Brgy. Bagtas Tanza, Cavite na isinugod sa General Emilio Aguinaldo Hospital.

Pinanghahanap naman ang tumakas na suspek na nakilala lang sa alyas Jobert, ng Brgy Bagtas, Tanza Cavite.

Sa ulat, natutulog umano ang biktima sa kanyang kubo sa Phase 5 Brgy. Bagtas Tanza Cavite alas-tres kamakalawa ng hapon nang puntahan siya ng lasing na suspek at kinompronta.

Nauwi sa pagtatalo ang usapan ng dalawa hanggang sa walang sabi-sabing pinagsasaksak ng suspek ang biktima gamit ang tari ng manok.

Nabatid na may matagal nang alitan ang dalawa. (Gene Adsuara)

The post Kelot sinaksak ng tari sa ulo first appeared on Abante Tonite.