Kinatay na kelot, bebot bumulaga

December 13, 2022 by No Comments

Malamig na bangkay na ang isang lalaki at isang babae nang matagpuan ng pulisya sa liblib na lugar sa Barangay Lara, City of San Fernando, Pampanga kahapon.

Parehong may mga saksak ng patalim ang dalawa nang matuklasan ni Enrico Enriquez, 60, sa damuhan sa loob ng Gueco Farm sa nasabing lugar alas-siyete ng umaga.

Kinilala ni Col. Preston K. Bagangan, chief of police ng City of San Fernando Police Office, ang biktima na sina Michael Enriquez, 25, may-asawa, nakatira sa Barangay Lara, City of San Fernando at Anabelle Manuel, 24, may-asawa, ng Purok 9, Barangay Calibutbut, Bacolor, Pampanga.

Sa paunang imbestigasyon, mahigit tatlong oras nang patay ang mga biktima.

Ang lalaking biktima ay anak ng matandang Enriquez.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente para matukoy ang salarin. (Rudy Abular)

The post Kinatay na kelot, bebot bumulaga first appeared on Abante Tonite.