Lightscale inilunsad ang Kroma mainnet, Ethereum Layer 2

September 7, 2023 by No Comments

Matagumpay na inilunsad ng subsidiary ng Wemade na Lightscale ang Kroma mainnet, ang kanilang Ethereum Layer 2. Bilang bahagi ng WEMIX mega ecosystem strategy, magiging channel ang Kroma na magdadala ng mga user, holder, at asset sa Ethereum patungo sa ecosystem ng WEMIX.Lungsod ng Seoul, Timog Korea, Setyembre 07, 2023 – Habang mas maraming serbisyo ang sumasakay sa Layer 1, binabagal nito ang bilis ng transaksyon, umabot sa limitasyon ang scalability nito, at tumataas ang gas fee. Ang pinakamalawak na ginagamit na Layer 1 na Ethereum ay nahihirapan sa problemang ito na kilala bilang blockchain trilemma. Ang Layer 2 ay isang solusyon para sa isyu ng scalability. Isang channel sa pagitan ng mga mega ecosystem ng Ethereum at WEMIXMagsisimula bilang isang game-centric chain, ito ay mag-e-expand upang isama ang DeFi, NFT, at iba paAng mga user at dApp ay gagantimpalaan ng zero-start distribution token na KRO Gumagamit ang Kroma ng optimistic rollup kasama ang ZK fault proof, na isang bagong teknolohiya na pinagsasama ang optimistic rollup, na malawakang ginagamit sa kasalukuyan, at ZK proof. Habang teknikal na mas mahirap, mas mabilis makakamit ng ZK rollup ang block finality kaysa sa optimistic rollup. Nagplaplano ang Lightscale na i-upgrade ang Kroma sa 100% ZK rollup. Magsisimula mag-mint ang Kroma ng sarili nitong native token na KRO sa kalagitnaan ng 2024. Kasama sa Tokenomics nito ang mga mekanismo para sa zero-start distribution na walang pre-minting o pre-mining. Isang bagong block ang nabubuo kada dalawang segundo, at isang KRO ang na-mint at ipinamamahagi bilang gantimpala sa mga user at dApp. Ayon sa antas ng kanilang partisipasyon na tinutukoy ng bilang ng kanilang mga transaksyon, ang mga dApp at user na naggenerate ng mas maraming transaksyon ang makakatanggap ng mas maraming token. Magtutulak ang sistemang panggantimpalang ito ng mga aktibong gawain para sa pagpapalawak ng ecosystem, na lumilikha ng isang virtuous circle. 25% ng KRO ay ipamamahagi sa WEMIX Foundation at komunidad ng WEMIX, na nag-aambag sa ecosystem ng WEMIX. Magsisimula ang Kroma bilang isang chain para sa pag-onboard ng mga laro, at iseserbisyo dito ang Night Crows. Inaasahang ilalabas sa Disyembre ang global blockchain version ng smash hit MMORPG na inilathala ng Wemade. Layunin ng Lightscale na palawakin ang kanilang ecosystem upang isama ang lahat ng web3, tulad ng DeFi at NFT. Magkakaloob ang bahagi ng Kroma Ecosystem Fund ng grant sa mga onboarding na dApp upang hikayatin ang pagsali sa kanilang ecosystem. Matuto nang higit pa tungkol sa Kroma sa https://kroma.network/ Tungkol sa WEMADEIsang kilalang industry leader sa pag-develop ng laro na may higit sa 20 taon ng karanasan, pinamumunuan ng Korea-based na WEMADE ang isang once-in-a-generation shift habang lumilipat ang gaming industry sa blockchain technology. Sa pamamagitan ng subsidiary nitong WEMIX, layunin ng WEMADE na pabilisin ang mass adoption ng blockchain technology sa pamamagitan ng pagbuo ng isang experience-based, platform-driven, at service-oriented na mega-ecosystem upang mag-alok ng malawak na spectrum ng intuitive, convenient, at madaling gamiting mga serbisyo sa Web3. Bisitahin ang www.wemix.com/communication para sa karagdagang impormasyon. CONTACT: Kevin Foo
pr-at-wemix.com