Mark Villar nilayasan budget hearing para sa BBM trip

November 19, 2022 by No Comments

Missing in action sa mga ganap sa 2023 budget hearing ng Senado ang isang baguhang senador na si Mark Villar.

Inaabot ng halos madaling-araw na ang mga senador sa paghimay sa 2023 national budget taliwas ito sa kanilang kasamang si Sen. Mark nagpapasarap sa biyahe dahil kasama ito ni Pangulong Bongbong Marcos sa Thailand na dumalo sa APEC Summit.

Tanging si Villar ang kasamang senador sa APEC Summit dahil aligaga ang mga kasamahan nitong mambabatas na maipasa ang 2023 budget bago matapos ang 2022.

Si Villar ang tumatayong chairperson ng sub committee on finance kaya dapat ay present ito sa mga budget hearing.
Sinasabing tinapos lamang ni Villar ang budget hearing ng dating pinamumunuang DPWH at DTI saka ito lumarga patungong Thailand.

Nabatid na bukod sa APEC summit ay sumabit din si Mark Villar sa ilang naunang trip abroad ni PBBM.

The post Mark Villar nilayasan budget hearing para sa BBM trip first appeared on Abante Tonite.