McCoy, Elisse inintrgang hiwalay na

December 25, 2022 by No Comments

Iniintrigang hiwalay na sina McCoy de Leon at Elise Joson dahil sa napansin ng mga netizen na hindi na sila nagsasama sa pagba-vlog.

Dati rati kasi katuwang ni Elise ang partner sa paggawa ng content para sa kanyang vlog.

May mga nahiwagaan din sa latest post ni McCoy sa kanyang Instagram account na hindi kasama ang love team partner.

Makahulugan din ang mensaheng pinakawalan nito sa photo na kapiling si Baby Felize.

Caption niya:”Lagi mong tatandaan na mahal kita.”

Hirit tuloy ng kibitzers, pakiramdam nila ay nagkakalabuan na ang dalawa.

Feeling din nila na ang mensahe niya ay parunggit umano kay Elise.

May mga nagsasabi namang baka may pinagdadaanan lang o lover’s quarrel na kinakaharap ang dalawa.

May Mclise fans namang nagdarasal na anuman ang problemang pinagdadaanan ng showbiz couple sa kanilang relasyon ay harinawang malampasan nila.

Ito ang ilang hirit ng kibitzers.

“Naaamoy ko, may LQ sila.”

“On the verge ang kanilang relationship. Feeling ko, sinusuyo ni boy si girl.”

“Sayang naman. Ngayon pa ba, pagkatapos ng kanilang pinagdaanan.”

“Ayaw ni Mudra kay McCoy kaya feeling ko, di sila magtatagal.” (Archie Liao)

The post McCoy, Elisse inintrgang hiwalay na first appeared on Abante Tonite.