Mervin Santiago, Alessandra Castañeda bibira sa IRONMAN 70.3 Puerto Princesa

November 11, 2022 by No Comments

Pangungunahan nina Mervin Santiago at Alessandra Castañeda ang pitong galing sa dalawang world premier championships na kabilang sa halos libong atat ibalandra ang kanilang mga bilis at tibay para sa mapuwersang pagtapos sa IRONMAN 70.3 Puerto Princesa na lalarga sa bukas (Linggo) sa Palawan.

Top Pinoy finisher si Santiago sa IRONMAN World Championships sa Kona, Hawaii samantalang top Pinay si Castañeda sa mga sumabak sa kamakaailan lang ding sa IM 70.3 St. George sa Utah.

Makakasama ni Santiago bilang pambato ng bansa sa pangakalatang indibidwal na kompetisyon at sa kanilang age-group 30-34 sa mapagparusang 1.9km swim, 90km bike, 21k run race sa dinesenyuhang magarang ruta na pasado sa pandaigdig na kalibre. Gayundin si John Niño Monte sa 25-29.

Aaangas sina Castañeda at Mary Jane Baluyot sa female 35-39, Yoejan Prudente sa 18-24 age group division, Nylah Bautista (45-49) at Celma Hitalia (55-59).

Kabilang sila sa 898-triathlete international field sa 26 na mga bansa na lahat ay nakatutok sa individual at age-group competitions. May 315 ang kasali sa men’s at women’s relay at 59 team sa mixed relay, na may 177 entries.

Unang pagkakataon ang blue-ribbon event, oorganisahin ng IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc., na sasabakan din nina national team members Fernando Jose Casares, na nag-gold medal sa mixed relay sa SEA Games sa Hanoi nitong Mayo, at Bea Marie Quiambao, na two-time winner ng 5150 races sa Bohol at Subic ngayong taon.

Rarampa rin si Rafie Liego na kilala ring Bamboo Lodi, sa 18-24 age group, samantalang sina Hanoi SEAG medalists Raven Faith Alcoseba at Andrew Kim Remolino at Marc Lago makikipagbardagulan para sa Go for Gold squad mixed relay competition, na tinataya ring pukpukan.

Papadrino sa kaganapan ang Active, Athletic Brewing Co., Breitling, Fulgaz, Gatorade, Hoka Fly Human Fly, Hyperice, Qatar Airways, ROKA, Santini, Vinfast at Wahoo.

May mga triathlete din dito ang US, Hong Kong, Guam, Singapore, France, United Kingdom, Australia, India, Japan, Brazil, Thailand, Netherlands, South Africa, Vietnam, New Zealand, Ireland, Spain, Italy, Sweden, Turkey, Korea, Kazakhstan, Malaysia, Saint Lucia at Guatemala. (Ramil Cruz)

The post Mervin Santiago, Alessandra Castañeda bibira sa IRONMAN 70.3 Puerto Princesa first appeared on Abante Tonite.