Metro Manila, 19 probinsya sumadsad COVID case – OCTA

January 3, 2023 by No Comments

Bumaba ng 9.1% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) at sa 19 pang probinsya noong Disyembre 31, o bisperas ng Bagong Taon.

Sa Twitter post ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, naitala ang pagbaba mula sa 11.6% na namonitor noong Disyembre 24.

Kabilang naman sa 19 na probinsya na nakitaan umano ng pagbaba ng COVID-19 positivity rate sa nasabing petsa ay ang Bulacan (4.4% mula sa 9.2%), Albay (35.4 to 31.3%); Batangas (10.6 to 7.8%); Cagayan (14.3 to 8.5%); Camarines Sur (27.3 to 16.6%); Cavite (10.6 to 8.6%); Ilocos Norte (8.8 to 5.6%); Ilocos Sur (44.8 to 25.4%); Kalinga (41.7 to 9.1%); La Union (9.7 to 8.1%); Laguna (19 to 10.5%); Mountain Province (7.8 to 7.3%); Nueva Ecija (34.8 to 28%); Pampanga (16.6 to 12.3%); Pangasinan (11.6 to 7.2%); Quezon (15.4 to 14.2%); Rizal (23.4 to 15.8%); Tarlac (15 to 10.4%); at Zambales (11.7 to 6.9%).

Samantala, nakitaan naman aniya ng pagtaas ng COVID-19 positivity rate ang Isabela (21.2 to 37.6%); Bataan (12.8 to 13.7%); at Benguet (8.2 to 9%).

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga taong nagpositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga indibiduwal na isinailalim sa pagsusuri laban sa naturang virus. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Metro Manila, 19 probinsya sumadsad COVID case – OCTA first appeared on Abante Tonite.