Mga guro, estudyante sa Antique nagbayanihan

November 8, 2022 by No Comments

Nagtulong-tulong ang mga estudyante at guro sa Antique para makabangon sa epekto ng bagyo ang kanilang lalawigan.

Sa panayam sa isang opisyal ng University of Antique sa “I-Abante Mo”, tumulong na sila sa lokal na pamahalaan dahil nasa 43,000 pamilya ang apektado ng bagyo.

Kabilang sa donation drive nila ang pagbibigay ng relief goods, damit at mga gamit pang-kusina.

Walang-wala raw kasi ang mga residente ng Antique dahil bubong lang ang natira sa mga bahay nito kaya kusang loob na ang mga itong nagkawanggawa. (IS)

The post Mga guro, estudyante sa Antique nagbayanihan first appeared on Abante Tonite.