Mga mayor pinoporma single ticketing system sa Metro Manila

November 10, 2022 by No Comments

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinaboran ng mga alkalde ang pagbuo ng traffic code para sa Kamaynilaan.

Sa isinagawang pulong ng Single Ticketing System Technical Working Group na kinabibilangan ng mga traffic head ng iba’t ibang local government unit, ng MMDA at ng Land Transportation Office (LTO) nagpahayag ng suporta ang mga lokal na opisyal sa pagbuo ng traffic code.

Ayon kay MMDA Traffic Discipline and Enforcement Office head Atty. Victor Nuñez, nagkakaisa sa kanilang pananaw ang lahat ng alkalde sa Metro Manila para ganap na maisama ang single ticketing system sa ilalim ng mabubuong Metro Manila Traffic Code

Aniya, layunin ng nasabing hakbang na magkaroon ng nagkakaisang sistema ng pagmumulta sa mga lumalabag sa batas trapiko sa buong National Capital Region (NCR).

Puntirya din umano nito na magkaroon ng interconnectivity sa Land Transportation Office (LTO) at maging standard na rin ang pamamaraan ng panghuhuli sa mga traffic violator ng iba’t ibang lokal na pamahalaan.

Sinabi pa ni Nuñez na aayusin din ng technical working group ang no contact apprehension o NCA at isasama ang mungkahi na magkaroon ng tamang edukasyon sa batas trapiko ang mga nais pumasok sa mga local traffic unit. (Betchai Julian)

The post Mga mayor pinoporma single ticketing system sa Metro Manila first appeared on Abante Tonite.