Mga Pinoy pinahanga ni Hidilyn Diaz-Naranjo

December 9, 2022 by No Comments

Umaapaw ang mga pagbati ng mga Pinoy sa social media sa kinabiliban nilang si Hidilyn Diaz-Naranjo pagkaraang makasaysayang sungkitin Miyerkoles ang tatlong gintong medalya sa World Weightlifting Championships sa Bogota, Colombia na nagdagdag pa sa legasiya niya bilang dakilang atleta ng bansa.

“Proud Proud of You. Continue inspiring us Filipinos Ms. Hidilyn,” sey Huwebes ni netizen Dale Raymondo sa bumabahang mensahe sa Team HD FB page ng atletang unang nag-gold medal din sa 2020+1 Tokyo Olympics.

“Not one, not two, but 3 gold medals. You make the Philippines proud, #HidilynDiaz. Hearing the Pambansang Awit in a global arena always makes me teary-eyed. Salamat & Mabuhay ka at ang mga atletang Pilipino?” tweet naman ni @MJQP57.

Naka-ginto na rin si Hidilyn sa Asian Championships, Asian Games at Southaast Asian Games. (Ramil Cruz)

The post Mga Pinoy pinahanga ni Hidilyn Diaz-Naranjo first appeared on Abante Tonite.