MMDA dedma muna sa mga traffic violation

November 16, 2022 by No Comments

Palulusutin muna ng mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga minor traffic violation ngayong holiday season para matutukan ang maayos na daloy ng mga sasakyan.

Sa pahayag ng ahensiya nitong Miyerkoles, sinabi ni MMDA acting chairman Atty. Romando Artes na magiging prayoridad nila ang maayos na pagmamando ng trapiko at iiwasan hangga’t maaari na manghuli ng mga lumalabag sa mga maliliit lang na paglabag sa trapiko.

“We don’t allow the practice of waiting for motorists to violate traffic rules before flagging them down,” ani Artes.

Para hindi aniya maabala ang daloy ng trapiko, ang mga minor violation katulad ng swerving ay maaaring palusutin na muna ngunit `cases-to-case basis’ pa rin maliban sa distracted driving at number coding.

Inutos din ni Artes sa kanilang mga enforcer na iwasan ang kumpulan at sobrang paggamit ng cellphone habang naka-duty maliban kung may kailangang i-report na mga aksidente o lagay ng trapiko sa lugar na kanilang binabantayan.(Kiko Cueto)

The post MMDA dedma muna sa mga traffic violation first appeared on Abante Tonite.