Nagwalwal na mag-uncle nalunod sa ilog

December 14, 2022 by No Comments

TODAS ang magtiyuhin na umano’y nakainom ng alak matapos malunod sa isang ilog sa Barangay Macayug, Mangaldan, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Rodrigo Bautista, 58, at pamangkin nitong si Romnick Macam, 29, parehong taga-nasabing barangay.

Sa report, ayon sa Mangaldan Police Station (MPS), nangyari ang insidente sa Angalacan River sa Barangay Macayug.

Una umanong natagpuan ang bangkay ni Macam, habang inabot ng mahigit 12 oras ang paghahanap sa katawan ni Bautista.

Aminado naman ang mga kaanak ng magtiyo na nakainom ang magtiyuhin nang maligo sa ilog.

Lumitaw sa imbestigasyon na unang nalunod si Bautista, at tinangka siyang sagipin ng pamangkin pero hindi na rin nakaligtas.

Ayon sa pulisya, umaabot umano sa mahigit na siyam na talampakan ang lalim ng bahagi ng ilog kung saan nalunod ang mag tiyuhin. (Allan Bergonia)

The post Nagwalwal na mag-uncle nalunod sa ilog first appeared on Abante Tonite.