Nene niluray ng dyowa

January 11, 2023 by No Comments

MALAMIG na rehas ngayon ang hinihimas ng isang tinedyer nang maaresto sa Malasiqui, Pangasinan matapos gahasain ang isang nene sa San Jose del Monte, Bulacan.

Kinilala ng Pangasinan Police Office (PPO) ang suspek na si Jan Carlos Guevarra, 19, na wanted sa kasong rape sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa ulat ng PPO, ayon kay San Jose del Monte Police Station commander P/Col. Rannie Lumactod, pinilit umano ng suspek ang 12-anyos biktima na umano’y karelasyon niya, na sila’y magtalik.

“Based on the investigation, ay mag-boyfriend so nagkaroon sila ng sexual relationship. But the issue here, minor ‘yung bata,” ani Lumactod.

Sinabi ng pulisya na nangyari ang panggagahasa noong nakaraang taon. Nagtago ang suspek nang sampahan siya ng kaso hanggang sa matunton sa Pangasinan.

Itinanggi ng suspek ang panggagahasa ngunit inamin niyang nagtago siya dahil sa takot.

“Hindi po totoo ‘yun [rape]. One year and six months po kami ng girlfriend ko na ‘yun,” ani Guevarra. (Allan Bergonia)

The post Nene niluray ng dyowa first appeared on Abante Tonite.