Neri  nagtiyaga sa ukay-ukay

January 1, 2023 by No Comments

Hinangaan ng  mga netizen si Neri Naig-Miranda na kahit rich na ay namimili pa rin sa ukay-ukay.

Proud na ipinost ni Neri sa kanyang Facebook page ang pamimili niya sa UK sa Baguio kung saan sila kasalukuyang nagbabakasyon ng kanyang pamilya.

Makikita sa post ang mga larawan ng kanyang napamili. Sey niya sa caption, suki na talaga siya ng ukay-ukay dahil dito sila bumibili ng damit kahit noong high school pa siya.

“Dating gawi! Wagwagan naaaa! Medyo sumakit kamay ko kakahanap ng magaganda at syempre mas mura, hehe!

“Sa ukayan kami bumibili ng mga damit namin since high school hanggang mag college dito sa Baguio. Mas mura sa bandang palengke, sa may taas. Nakabili ako dati ng trench coat na P20. Nung grade school kami, sa palengke lang. Kase di pa uso ang ukayan noon sa Subic,” pagbabahagi ni Neri.

“Sa may bandang Burnham kami pumunta, yung tapat ng Caltex at Veniz Hotel. Marami ring mura, tyagaan lang talaga. Ang dami kong napamiling panglamig lalo na sa mga bata. Super ginaw sa Baguio ngayon. Mahirap tumambay sa garden kung di makapal ang jacket mo,” kuwento pa niya.

Ipinagmalaki rin ng misis ni Chito Miranda ang nabili niyang branded items sa murang halaga.

“Pero nakabili ako ng Jil Sander dress P250 at Salvatore Ferragamo na flat shoes P800,” aniya.

Sa comment section ay marami ang pumuri sa pagiging humble ni Neri at masinop sa pera.

“Eto yung celebrity na humble at walang arte sa katawan. Imagine, afford niyang bumili ng mga brand new luxury items pero mas tinatangkilik niya pa rin ang pagbili ng mga damit at sapatos sa ukay-ukay.

“Kung tutuusin, successful businesswoman iyang si Ms. Neri., never nag-inarte, di gaya nung ibang tao dyan, naranasan lang na magkaroon ng malaking sahod, daig pa ang anak ng presidente ng Pilipinas kung mag-inarte at makagastos ng pera. Di mo na mapabili sa ukay-ukay,” ang puri ng isang netizen.

Last year nang nakabili ng bahay sina Neri at Chito sa Baguio at dito na sila nag-Pasko at nagba-Bagong Taon na rin. Bukod dito, nagbukas din sila ng Thai restaurant dito. (Vinia Vivar)

The post Neri nagtiyaga sa ukay-ukay first appeared on Abante Tonite.