NIA boss 6 buwan sinuspinde ng Ombudsman

November 15, 2022 by No Comments

Pinatawan ng 6 buwang preventive suspension ng Ombudsman si National Irrigation Administration (NIA) Acting Administrator Benny Antiporda kaugnay ng ilang reklamo ng kawani ng ahensya.

Nang malaman ang inisyung suspensyon, sinabi ni Antiporda na handa niyang harapinang mga reklamo ng mga kawani. Aniya, inasahan na niya ang ganitong mgareklamo dahil marami ang nagagalit sakanyang ipinatutupad na polisya sa loob ng NIA na nakatuon para labanan ang korapsyon.

Ngayong araw ay nakatakda itong magpawatawag ng isang press conference para linawin ang mga reklamo laban sa kanya.

Sa anim na pahinang desisyon ng Ombudsman sinabi nito na may basehan ang reklamonggrave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service, harassment, ignorance of the law at oppression kaya nag-isyu ito ng preventive suspension upang hindi nitomaimpluwensyahan ang isasagawangimbestigasyon.

Ilan sa mga kawani ay inireklamo ang mgapagbabanta ni Antiporda na aalisin sapuwesto ang ilang kawani ng General Services Division at hindi pagre-renew ng appointment at ilang insidente ng pamamahiya sa mga empleyado sa flag raising ceremony. (Tina Mendoza)

The post NIA boss 6 buwan sinuspinde ng Ombudsman first appeared on Abante Tonite.