P14M `Bangkok shabu’ nasabat sa Clark

January 8, 2023 by No Comments

Aabot sa P14M o kabuuang P13.8 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) – Port of Clark at NAIA mula sa Bangkok, Thailand nitong Linggo.

Sa report, dumating ang ilegal na droga noong Enero 2 sa isang parcel na may label na naglalaman ng “microserver double stairless ceramic.”

Nang dumaan sa physical examination ang parcel ay nadiskubre ang apat na piraso ng 3-litro na stainless sports jugs na naglalaman ng mga substance na nakabalot sa plastic at aluminum foil.

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang substance ay methamphetamine hydrochloride o kilala bilang ‘shabu.’

Ang pagkakasamsam sa shipment ay humantong sa pagkakaaresto sa dalawang claimant mula sa Pasay City matapos ang joint delivery operation ng PDEA, Bureau of Customs-Port of Clark, at Ninoy Aquino International Airport (NAIA). (Dolly Cabreza/Mina Navarro)

The post P14M `Bangkok shabu’ nasabat sa Clark first appeared on Abante Tonite.