P360M iligal na taklobo nasilat kay lolo
December 21, 2022
No Comments
ARESTADO ang 76-anyos na lolo sa Tabogon, Cebu kasunod ng pagkakaroon nito ng iligal na taklobo o giant clam shells na kanya umanong ibebenta.
Sinasabing aabot ang mga giant taklobo ng nasabing senior citizen sa halagang P360 milyon.
Ayon sa ulat, nasa 3,000 kilo ang nakuhang taklobo at narekober ng mga awtoridad.
Nilinaw ng mga awtoridad ang pagbabawal ng pagbebenta ng taklobo, na itinuturing na endangered marine species at mahalaga sa pagpapanatili ng balanse ng ecosystem. (Catherine Reyes)
The post P360M iligal na taklobo nasilat kay lolo first appeared on Abante Tonite.