PBBM, Xi Jinping kinalma tensyon sa West PH Sea

January 5, 2023 by No Comments

Nakikita ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghupa ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS) matapos ang kanilang bilateral meeting ni Chinese President Xi Jinping.

Inilahad ito ng pangulo sa kanyang talumpati pagdating sa bansa matapos ang tatlong araw na state visit sa China.

Sa kanyang talumpati, ibinida ng pangulo ang mga naging pulong niya sa matataas na opisyal ng China kasama na rito ang bilateral meeting nila ni Chinese President Xi Jinping.

“I am pleased to report to you and to the Filipino people the key outcomes of the State Visit to the People’s Republic of China from 3rd to 5th of January of this new year, 2023.I had cordial and fruitful engagements with the President Xi Jinping, Premier Li Keqiang, and National People’s Congress Chairman Li Zhanshu,” pahayag ng pangulo.

Marami aniya silang isyung napag-usapan ni President Xi at mas lalong pinaigting ang pangkalahatang estado ng relasyong bilateral ng Pilipinas at China.

“We renewed our commitment to strengthen bilateral cooperation as close neighbors in the Asia Pacific Region. The visit offered us an opportunity to exchange views on important issues that affect regional and global peace, stability, and development,” dagdag ng pangulo.

Nakikita umano ng pangulo na huhupa ang tensyon sa West Philippine Sea at mababawasan ang mga insidente ng harassment matapos ang kanilang pag-uusap ni President Xi.

Inirekomenda rin umano ng pangulo sa kanilang pag-uusap ng Chinese president na magkaroon ng bilateral team na mag-uusap sa mga isyung may kinalaman sa WPS

“That’s entirely the point of having the bilateral team. It’s continuing to discuss but as I said, I wanted to raise the level of discussion to maybe a ministerial level with direct access to both Presidents,” pahayag ng pangulo.

“When lines of communication are open at mabilis makapagdesisyon si President Xi at makapagdesisyon ako kaagad, palagay ko marami tayong mababawasan sa mga problemang nakikita natin ngayon,” ayon pa kay Pangulong Marcos. (Aileen Taliping)

The post PBBM, Xi Jinping kinalma tensyon sa West PH Sea first appeared on Abante Tonite.