Policewoman, 2 pa nasabugan sa presinto

January 9, 2023 by No Comments

Sugatan ang isang policewoman at dalawang sibilyan nang may sumabog sa tanggapan ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) ng Iloilo City Police Office (ICPO), nitong Linggo ng umaga.

Nagtamo ng minor injuries sa katawan sina Patrolwoman Shyrine Manuel at mga sibilyan na sina Fernando Sabidalas at John Mark Garcia.

“Thankfully, all the injuries were minor. They were just hit with the debris,” pahayag ni Major Shella Mae Sangrines, ICPO spokesperson at station commander ng ICPO-Police Station 1.

Ayon kay Sangrines, nangyari ang pagsabog alas-10:30 ng umaga (Enero 8) sa opisina ng EOD na nasa ikalawang palapag ng isang lumang gusali kung saan nawasak ang mga kristal na bintana doon.

“We are still investigating the cause of the incident,” anang opisyal.

Nangangalap na ng mga ebidensiya ang Scene-of-the-Crime Operatives (SOCO) team at nagsasagawa na rin ng imbentaryo ng mga items sa EOD.

Nakikipagtulungan na rin ang Bureau of Fire Protection-Iloilo City sa ICPO para alamin ang sanhi ng pagsabog. (Dolly Cabreza)

The post Policewoman, 2 pa nasabugan sa presinto first appeared on Abante Tonite.