Pork, manok sirit presyo sa mga palengke- SINAG

November 19, 2022 by No Comments

Pinatututukang ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa Department of Agriclture (DA) ang Farmgate price ng mga karneng baboy at manok dahil hindi umano akma ang retail price sa mga palengke lalo na ngayong nalalapit na ang holiday season.

‘”Yung presyo ng farmgate price so far yung manok for example nasa P108 – P110 so kung dapat ang retail price nasa P165 pero nakikita natin sa palengke mga P185,” pahayag ni SINAG chairman Rosendo So sa panayam ng Teleradyo.

“Hindi mo mapababa ang retail pero ang farmgate [bumababa] yan ang sinasabi nating dapat tutukan ng DA para at least hindi masayang. Hindi magta-translate ang farmgate prce ng baboy nasa P170 to P180. Sa retail dapat P280 pero umaabot na ng P300,” paliwang pa ni So.

Samantala, nakipagsanib-puwersa na rin umano ang SINAG sa National Food Authority (NFA) para maging mura ang presyo ng bigas sa merkado.

Dagdag ng SINAG, sa kanilang pagsasanib-puwersa ay nabibili nila ng P19 hanggang P20 ang kada kilo ng palay upang matulungan ang mga magsasaka, lalo pa’t mataas ang presyo ng krudo para sa ginagamit sa mga makinaryang pagsasaka ng mga palay. (Dolly B. Cabreza)

The post Pork, manok sirit presyo sa mga palengke- SINAG first appeared on Abante Tonite.