Sam, Catriona magpa-Pasko sa Australia

November 15, 2022 by No Comments

Excited na si Sam Milby na samahan ang girlfriend na si Catriona Gray sa Australia . Dun sila magsi-celebrate ng Christmas at New Year.

Hindi naman first time na magkasama sila sa Kapaskuhan. Two years ago ay sinamahan naman daw siya ni Catriona sa Amerika.

Seryoso na talaga ang bagong Beautederm ambassador kay Catriona at ito na ang kanyang ‘the one’.

Samantala, happy naman at feeling blessed ang Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan dahil parte na ng pamilya ng kanyang kompanya si Sam.

Hirit ni Ms. Rei, “The line-up of Beautéderm’s A-list brand ambassadors could never be complete without Sam. I have always admired his body of work at happy na ma-discover na ang saya at ang gaan pala niyang katrabaho.”

“Dapat gayahin ang lifestyle ni Sam dahil sa kanyang disiplina at professionalism. He lives a balanced and healthy life which makes him the perfect artist to represent our brand,” deklara pa ni Ms. Rei.

Kasama sa Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets ang tatlong bagong produkto na nasa ilalim ng Reiko at Kenzen, na parehong FDA compliant at expertly formulated upang palakasin ang kalusugan at well-being ng katawan sa araw-araw.

Una ang Reiko ShiroSan – isang first grade dietary supplement na mayroong marine collagen na mainam sa rejuvenation ng joints at iba pang bodily organs; peptides; at non-acidic Vitamin C na kilala bilang energy booster at natural na antioxidant.

Ikalawa ang Kenzen YasaiDes – na isang dietary superfood supplement na mayroong Vitamin E at tomato extract na mayroon ding fruit at iba pang vegetable extracts sa tumutulong sa pagpapalakas ng immune system. Mahusay itong dietary option para sa mga gulay at pwede ito sa mga bata at matatanda na nangangailangan ng extrang nutrisyon sa kanilang mga diet.

Kenzen MizuPlus naman ang kukumpleto sa set – isa itong mahusay na dietary supplement mayroong Green Tea extract at magnesium, na tumutulong para mag-normalize ang high blood pressure at sa prevention ng heart disease at type 2 diabetes. Mayroon ding itong high absorption calcium that helps para palakasin ang mga buto at kasukasuan at tumutulong din ito sa pag-iwas sa osteoporosis; at high absorption L-Malic Acid na tumutulong naman sa pag-iwas sa pagod, sa pagpapalakas ng mental focus, at samabilis na pag-galing mula sa muscle pain. Maaari din itong gamitin bilang meal replacement para sa mga nagdidiyeta, at mayroon din itong vanilla na epektibo sa pag-control ng glucose levels sa dugo.

Swak kay Sam ang mga ini-endorse niya, hanggang ngayon ay fresh na fresh pa rin siya kahit nadadagdagan ng edad. Isa siya iilang male celebrities na hindi tumatanda ang hitsura at lalong nagiging yummy.Patuloy ang adbokasiya ng Beautéderm Corporation sa pagpapalaganap ng excellent health at premium wellness kasama si Sam bilang brand ambassador.
Anyway, magsismula ngayong araw na ito hanggang Nov. 30 ang engrandeng warehouse sale ng Beautederm na mangyayari sa Lot 15 Block 1 Rue de Paree corner Narra Street, L&S Subdivision sa Angeles City, Pampanga ngayong Nobyembre 15-30 (8:00 a.m. to 7:00 p.m.). (ROLDAN CASTRO)

The post Sam, Catriona magpa-Pasko sa Australia first appeared on Abante Tonite.