Senglot na truck driver sa karambola, bawi-lisensya

November 8, 2022 by No Comments

Tuluyan nang binawian ng lisensiya ng Land Transportation Office (LTO) ang truck driver na naging dahilan ng karambola ng maraming sasakyan sa Katipunan road sa Quezon City.

Sa isang resolusyon na pirmado ni LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, pinapanagot ang truck driver na si Franklin Caramihan dahil sa kasong reckless driving.

Inatasan ng Intelligence and Investigation Division ng LTO si Caramihan na isuko ang kanyang driver’s license.

Nauna rito, noong umaga ng September 27, 2022, habang binabagtas ng truck ang Katipunan flyover sa Brgy. Escopa 3 sa Quezon City, nawalan ng kontrol si Caramihan sa minamaneho niyang sasakyan na nagresulta sa multiple vehicle collisions at pagkasugat ng maraming katao, pagkasira ng mga nasangkot na sasakyan at paghinto ng daloy ng trapiko ng ilang oras.

Lumitaw sa imbestigasyon na si Caramihan ay napatunayang nasa impluwensya ng alak nang mangyari ang sakuna.

Pinagmumulta rin ng LTO ng P5,000 ang may-ari at operator ng truck ng Sky Dragon Steel Center, Inc. (Dolly B. Cabreza)

The post Senglot na truck driver sa karambola, bawi-lisensya first appeared on Abante Tonite.