Taas-pasahe awat muna sa Kapaskuhan

November 22, 2022 by No Comments

Wala na munang taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan hanggang sa pagtatapos ng taong 2022.

Ito ang naging anunsyo kahapon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.

Sinabi ni Bautista na ang inaprubahang taas-pasahe sa maraming public utility vehicle (PUV) noong Setyembre ang huling fare hike na pahihintulutan nila ngayong 2022.

“Ngayong holiday season, mas mabuti na hindi na muna tayo magtaas ng pamasahe para madagdagan naman ang pang-shopping ng ating mga pasahero,” pahayag ni Bautista sa isang panayam.

Dagdag pa ng DOTr chief, pinag-aaralan din nila kung sapat o kailangan pang magdagdag ng public utility vehicle (PUV).

Matapos kasi aniya ang dalawang taon dulot ng pandemya, ngayon lang ulit inaasahan na ang mga pasahero ay magsisidagsaan sa mga pampublikong lugar para sa Pasko. (Dolly Cabreza)

The post Taas-pasahe awat muna sa Kapaskuhan first appeared on Abante Tonite.