Tirador ng coco lumber, 5 dinakma

December 3, 2022 by No Comments

TINATAYANG P162,000 halaga na pinutol na mga coconut lumber ang nakumpiska matapos maaresto ang limang kataong aktong nagkakarga sa isang sasakyan sa Dasmarinas City, Cavite Biyernes ng gabi.

Kinilala ang inarestong sina Ranje Sangcap, 35; Jake Joebert Padera, 36; Marvin Cabuyao, 34; Vincent Vergara, 19; at Rommel Cadao, 29; pawang taga-Brgy. Ilayang Ilasan, Tayabas, Quezon.

Sa ulat, alas-10:30 kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng Oplan Kalikasan ang puwersa ng CIDG Cavite PFU, Cavite PFMC, 401st A MC RMFB4A at Dasmariñas CPS sa Double “A” Coco Lumber & Construction Supply, Molino-Paliparan Road, Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite na ikinaaresto nagresulta ng mga suspek sa aktong nagkakarga ng mga pinutok na coconut lumber sa sasakyan.

Nang tinanong kung may lisensya sila mula sa Philippine Coconut Authority ay wala silang maipakita at tanging Permit to Transport lamang ito at dadalhin ang mga coco lumber sa Pangasinan, Rizal at Quezon City na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Narekober sa kanila ang isang unit na Wing van na may plakang MAJ 7807 at humigit kumulang sa 9,000 board feet ng coco lumber na tinatayang nagkakahalagang P162,000.00.

Kasong paglabag sa RA 8048 (Coconut Preservation Act) as amended by RA 10593 ang kinakaharap ng mga suspek. (Gene Adsuara)

The post Tirador ng coco lumber, 5 dinakma first appeared on Abante Tonite.