US Vice President Harris dumating na sa `Pinas

November 20, 2022 by No Comments

Lumapag kagabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong sinakyan ni US Vice President Kamala Harris na mananatili ng ilang araw para sa kanyang kauna-unahang pagbisita sa Pilipinas.

Nabatid na lumabag ang Air Force 2 lulan si Harris at mga kasama nito dakong alas-6:52 ng gabi. Galing pa siya sa Bangkok, Thailand matapos dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting.

Sinalubong ang delegasyon ni Harris, na kasama umano ang kanyang mister na si Second Gentleman Douglas Emhoff, ng military band na tumugtog sa kanyang pagdating.

Napag-alaman na kabilang sa mga opisyal ng pamahalaan na sumalubong sa pagdating ni Harris ay sina Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, Chief of Presidential Protocol Adelio Cruz, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, Pasay Rep. Antonino Calixto, at Manila International Airport Authority (MIAA) assistant general manager Rafael Regular.

Base sa mga unang ulat bago pa man dumating si Harris ay nakatakdang makipagkita ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Pupunta rin si Harris sa Puerto Princesa City, Palawan sa Martes, Nobyembre 22, kung saan magkakaron siya ng briefing sa Philippine Coast Guard.

The post US Vice President Harris dumating na sa `Pinas first appeared on Abante Tonite.