Vhong may dasal sa 2023

January 2, 2023 by No Comments

Ang gandang pagmasdan ang Streetboys members na nagkakatuwaan kasama si Vhong Navarro. Napanood namin ang videos na naka-post sa SB member na si Joey Andres sa ginanap na traditional party nila kasama ang kani-kanilang pamilya.

May kantahan, exchange gift at hindi nawala ang sayawan. In fairness sa SB members, they still has the move and the groove na nagustuhan at minahal sa kanila ng kanilang fans. Kaya lang, sa dance number nila, hindi nila kasama si Vhong, nag-cameo lang ito.

Pero, sa isang family outing ng SB members at ng kanilang mga pamilya, sa kanilang TikTok, nagsayaw si Vhong na lalong ikina-miss ng kanyang fans dahil hindi na nga siya sumasayaw sa television. Hindi na muna siya lumalabas sa “It’s Showtime.”

Sa nasabing outing, kumanta at sumayaw si Vhong na ikinatuwa ng kanyang fans. Sumayaw rin ang mga anak ng SB members at magagaling din silang mag-dance. May pumalit na sa kani-kanilang mga ama, sana nga mag-guest ang SB Kids sa “It’s

Showtime” para mapanood ang husay nila.

Samantala, may dasal si Vhong na kinder 2023 for him . Siguro naman ay mangyayari sa kanya at sa kinahaharap na kaso. (Nitz Miralles)

The post Vhong may dasal sa 2023 first appeared on Abante Tonite.