Vilma ‘binubudol’ ni Luis ng lote, hikaw

January 11, 2023 by No Comments

Tuwang-tuwa sa pagiging ganap na lola ang Star For All Seasons Vilma Santos Recto.

Isa na siyang ganap na lola sa unang apo kina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Masaya si Ate Vi nang malamang breastfed ang apo .

Ani Ate Vi, nang una niyang makita ang apo ay si Luis agad ang nakita niyang kamukha nito pero nakuha raw ni Baby Peanut ang lips ni Jessy.

Masaya rin daw siyang hango sa kanyang pangalan ang binigay na pangalan ng mag-asawa sa kanilang anak.

Ikinatuwa umano ng aktres na isinunod sa pangalan niyang Rosavilma ang pangalan ng apo na si Isabella Rose. Biniro siya ni Luis na dahil dito ay dapat bigyan niya ng lote ang apo.

Hiling naman ng mag-asawa na kay Vilma manggaling ang unang hikaw ng kanilang anak.

Ayon pa kay Ate Vi, magiging papa’s girl ang apo dahil ngumingiti umano ito tuwing sasabihan ni Luis ng I Love You.: (Beth Gelena)

The post Vilma ‘binubudol’ ni Luis ng lote, hikaw first appeared on Abante Tonite.