Vlogger dinampot sa pokpok pick up modus

January 11, 2023 by No Comments

Isang German vlogger ang inaresto ng pulisya matapos mag-post ng malaswang video sa kanyang facebook at youtube account at makaladkad sa panggagahasa sa isang menor-de-edad na babae sa Alabang, Muntinlupa.

Agad na dinakip ang suspek na si Marcel Messall, mas kilala bilang “Mr. Pogi German,” 29, residente ng Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal, nang pormal na ireklamo ng kanyang biniktima na itinago sa pangalang Yvonnah, 17.

Sa ulat ni Muntinlupa City Police Chief Col. Angel Garcillano, nakita sa video na kinuha ng suspek ang dalagita sa Alabang, binayaran ng P1,000 bilang tulong umano sabay ng paghalik dito.

Napag-alaman na nakipag-chat ang biktima sa suspek at nang makumbinsi na makipagkita ay dinala naman ito sa isang motel kung saan umano isinagawa ang panggagahasa.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997 in relation to Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na isasampa laban sa suspek.

Nauna nang ipinanawagan ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon sa Sangguniang Panlungsod na ideklara si Messall na persona non grata matapos nitong ipalabas sa kanyang vlog ang pagpik-ap sa isang babae, pagdala sa motel at pagbayad dito ng P1,000 bilang ‘tulong.’

“Sa una, akala ko papakita pa niyang nagmamagandang loob siya na tinutulungan yung babae na mabigyan ng kaunting panggastos. Akala ko ang ending ay kunwari dinala niya ito sa kwarto tapos bibigyan niya ng pera tapos hahayaan na niya. Pauuwiin na niya, binigyan ng aral. Obviously hindi iyon ang nangyari. Meron pang scene na pinost sa kanyang vlog na nagtalukbong sila dun sa kumot,” ani Biazon.

Tinangkang kunin ng Abante Tonite ang panig ng vlogger ngunit hindi ito makontak. (Betchai Julian)

The post Vlogger dinampot sa pokpok pick up modus first appeared on Abante Tonite.