Will McAloney, Nueva Ecija Rice Vanguards kampeon

November 25, 2022 by No Comments

Nagbaon si Will McAloney ng 15 points at 8 rebounds para giyahan ang Nueva Ecija Rice Vanguards na tagpasin ang San Juan Knights Go for Gold, 84-68, sa winner-take-all Game 3 upang koronahang hari ng North Division sa OKBet-Xtreme 4th Maharlika Pilipinas Basketball League 2022 Playoffs Biyernes ng gabi sa ‘di mahulugang karayom na Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City.

Makakasagupa simula sa Dec. 2 sa parehas na venue ng Novo Ecijanos ang mananalo sa magtutuos ngayong Batangas Embassy Chill at Zamboanga Family’s Sardines sa South Division Finals knockout Game 3 rin ngayong alas-6:30 ng gabi sa Vitaliano Agan Coliseum sa Zamboanga City.

Pero si John Byron Villarias ang aktuwal na top scorer sa Vanguards sa 19 na may sahog pang tig-boards at assists.

Dehins naisalba ng 16 markers ni Omar Wamar Jr. ang Knights. (Ramil Cruz)

The post Will McAloney, Nueva Ecija Rice Vanguards kampeon first appeared on Abante Tonite.