4Ps beneficiary binuwis ang buhay sa P16K

November 22, 2022 by No Comments

Nagbuwis-buhay ang isang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) matapos umanong tumalon ng tulay nang mahulog sa ilog ang natanggap niyang ayuda.

Kinilala ang biktima na si Joebeth Galletes, 40-anyos, residente ng Barangay Malansad Viejo, Libmanan, Camarines Sur.

Ayon sa ulat, nadiskubreng patay sa isang ilog sa Libmanan, Camarines Sur ang naturang beneficiary ng 4Ps.

Tumalon umano si Galletes sa PNR Bridge, na nasasakupan ng Barangay Potot matapos malaglag sa ilog ang sobreng dala niya na may laman na ATM card at P16,000 cash.

Lumalabas na hindi marunong lumangoy ang biktima kaya tuluyan itong nalunod.

Bangkay na nang matagpuan sa isinagawang search and rescue operation ng MDRRMO Libmanan si Galletes. (Issa Santiago)

The post 4Ps beneficiary binuwis ang buhay sa P16K first appeared on Abante Tonite.