Alden inatupag ang Esports Cup kesa b-day party

January 2, 2023 by No Comments

Ika-31st birthday ni Alden Richards ngayong Lunes at napansin namin, wala nang nagtatanong sa kanya sa plano niya sa kanyang love life. Pati mga kaibigan ni Alden nahawa na sa pagiging business oriented at workaholic, kaya ang mga tanong ay tungkol na sa itinayong Myriad Corporation. Pati na ang goal niya sa kanyang showbiz career this year.

 Gaganapin ang Myriad Esports Cup sa January 28, 2023 at big cash prizes ang mapapanalunan. Nakalagay na P500,000 ang prize pool at ito ang mapapanalunan ng bawat team. Pati celebrity gamers ay excited na Myriad Esports Cup.

 Malaki ang scope ng Myriad Corporation ni Alden, they will produced concerts,  live productions, sports event at si Alden ang nakatoka sa sports, kaya asahang hindi ang Esports Cup ag una sa mga gagawin ng kanyang kompanya.

 Samantala, na-share ni Alden ang kanyang mantra para sa 2023 sa isang interview. Every year may mantra ang Asia’s Multimedia Star at nababago ito taun-taon.

 “There is no new year’s resolution, ‘di ba? Ang resolution mo is always every day. Never look back into the past because you’re not on your way there. Focus ka lang sa kung ano ‘yung nangyayari sa ngayon. It’s always about the next step. Of course, there’s a goal pero sometimes kasi ‘yung journey mo sa goal is masyado pang malayo… Pero if you’re able to see your next step, then ‘yun muna ‘yung sundan mo and eventually you’ll end up with your goal.”  (Nitz Miralles)

The post Alden inatupag ang Esports Cup kesa b-day party first appeared on Abante Tonite.