Magdyowa hinoldap na, bebot ni-rape pa

November 13, 2022 by No Comments

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na nangholdap at bumugbog sa magkasintahan at gumahasa pa sa menor de edad na girlfriend habang namamasyal ang mga biktima sa Caliraya Lake sa Lumban, Laguna noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa Lumban Police, dalawang hindi nakilalang lalaki na sakay ng tricycle at armado ng hindi natukoy na kalibre ng baril ang mga suspek sa krimen.

Lumalabas sa imbestigasyon na tinutukan ng mga suspek ang magkasintahang 18-anyos na lalaki at menor de edad na babae habang nakaupo ang mga ito sa gilid ng Caliraya Lake dakong alas-10:30 ng gabi.

Inutusan ang mga biktima na sumakay sa tricycle at saka dinala sa liblib at magubat na lugar sa karatig na barangay ng Lewin.

Matapos kunin ang mga gamit ng dalawa, binugbog pa ang mga ito at saka ginahasa ang babae.

Nagresulta ito sa pagkahospital ng mga biktima.

Ayon sa mga biktima, tinatayang kapwa nasa edad 30 hanggang 40-anyos ang mga suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy at madakip ang dalawang suspek. (Ronilo Dagos)

The post Magdyowa hinoldap na, bebot ni-rape pa first appeared on Abante Tonite.