Rider dedbol sa barikada ng PNP

December 23, 2022 by No Comments

DEDO ang isang motorcycle rider habang malubha ang kanyang backride matapos suwagin ang barikada ng Philippine National Police (PNP) patrol base sa Maharlika highway sa Barangay Rizal, Santiago City, Isabela kamakalawa.

Kinilala ng Santiago City Police Station ang namatay na si Gomez Buma-a Manayod, 27, driver ng motorsiklo, habang ang sugatan ay si Jimber Buma-a Heb-Aton, 20, kapwa taga-Ubao, Aguinaldo, Ifugao.

Sa report ng pulisya, binabagtas ng motorsiklo ang naturang daan patungo sa Santiago City proper.

Pagsapit sa pinangyarihan ng aksidente, nawalan umano ng kontrol sa manibela si Manayod at nabangga ang bakal na barikada ng PNP Rizal Patrol Base.

Sa lakas ng impact, nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan ang mga biktima na agad na dinala sa Southern Isabela Medical Center subalit idineklarang dead on arrival si Manayod.

Sa imbestigasyon, ayon sa otoridad, nasa impluwensya ng alak ang dalawang biktima at mabilis ang patakbo ng driver dahilan para mawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho. (Allan Bergonia)

The post Rider dedbol sa barikada ng PNP first appeared on Abante Tonite.