Rider umilalim sa tsekot, tigok

January 4, 2023 by No Comments

NAABUTAN pa sa ilalim ng kotse ang katawan ng isang rider bago naisugod sa ospital sa isang aksidente sa Mendez, Cavite Lunes ng gabi.

Ang biktima ay nakilala lang sa pangalang Jericho na dead on the spot habang ang backride nito na si Fritz Selutan ay isinugod sa ospital ng Tagaytay dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Kinilala naman ang driver ng Toyota Altis [TYO 753] na si Janeen Rose Abrantes Torneros.

Sa ulat ng Mendez police, alas-9:40 kamakalawa ng gabi nang maganap ang sakuna sa Daang Panungyan Road, Brgy Panungyan 1 Mendez, Cavite.

Pagresponde ng pulis ay nadatnan nilang wala ng buhay ang biktimang pumailalim sa kotse.

Inaalam pa ng pulisya kung paano naganap ang nasabing aksidente. (Gene Adsuara)

The post Rider umilalim sa tsekot, tigok first appeared on Abante Tonite.