4 deboto ng Nazareno naospital

January 9, 2023 by No Comments

Sumailalim sa medikal na atensyon ang mahigit sa 600 debotong nakiisa sa kapistahan ng Itim na Nazareno.

Batay sa inilabas na situational report ng Department of Health (DOH), mula Enero 6 hanggang Enero 9 ay nasa kabuuang 642 ang nagpakonsulta ng kanilang kalusugan.

Sa 642, apat dito ang naospital – tatlo ang na-discharge na habang isa ang under observation.

Lumalabas na pinakamarami ang nagpasuri ng kanilang hypertension, chest pain, blood pressure at iba pa na umabot sa 577 katao.

Sampu naman ang nakaramdam ng pananakit ng ulo at pagkahilo, habang 43 ang nagkasugat. (IS)

The post 4 deboto ng Nazareno naospital first appeared on Abante Tonite.