Beauty nagpasilip sa Siargao

January 2, 2023 by No Comments

Masayang sinalubong ni Beauty Gonzalez ang Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya at kaibigang aktres na si Carla Humphries sa Siargao Island.

Makikita sa Instagram post ni Beauty ang mga larawan ng bakasyon nila sa Siargao kung saan nagpasabog ng kaseksihan ang aktres dahil sa kanyang mga suot na bikini.

Sa isang larawan ay makikitang naka-green two-piece si Beauty na napaka-sexy at hindi mo iisiping may anak na siya.

“Hello 2023, be kind,” ang caption ni Beauty.

Sa isang larawan naman ay makikitang naka-red poka dots one-piece si Beauty na bagay na bagay rin sa kanya.

“And the countdown begins.. Another chapter in our life ends and begins.

“What was your most memorable 2022 moment? Did you make a difference in someone’s life? 🤍

“The possibilities for tomorrow are exciting and endless. Erase the things we are not proud of.

“Substitute the undeserving and undesirables. Make things more meaningful and lasting. Let’s move forward together with our feet on the ground and our heads in the clouds,” caption ni Beauty.

Isa ang aktres sa mga itinuturing na “hot mama” sa showbiz dahil kahit may anak na sila ay napapanatili pa rin nila ang kanilang kagandahan at alindog.

Ayon kay Beauty in her past interview, talaga raw inaalagaan niyang mabuti ang sarili dahil responsibilidad niya rin ito sa mga tao bilang artista.

“It’s really important that you feel good about yourself. Paggising mo sa umaga, happy ka, you’re healthy and you’re fit. Para tuluy-tuloy ang mga pangarap mo sa buhay,” sey ng aktres.

“Of course, ang dami ngayong mga bagong artista. And you have to keep up, not only you have the talent but to keep up the looks.

“You have the responsibility to be beautiful inside and out. Kailangan talaga para sa longevity ng career mo sa business,” dagdag pa niya.

Samantala, naging maganda rin ang 2022 ng aktres dahil Nakagawa siya ng dalawang teleserye sa GMA-7, ang “The Fake Life” at ang “Mano Legacy: The Flower Sisters” na kasalukuyan pang umeere. (VinaVivar)

The post Beauty nagpasilip sa Siargao first appeared on Abante Tonite.