DepEd: P363M perwisyo ng Paskong baha sa mga iskul

January 3, 2023 by No Comments

Higit P363 milyon ang kabuuang pinsala na inabot ng ilang paaralan sa Mindanao dahil sa mga pag-ulan at baha dala ng shear line at low pressure area, ayon sa pahayag ng Department Education nitong Lunes.

Nasa 36 na eskuwelahan sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga ang napinsala diumano dahil sa pagbaha.

Dalawampu’t lima sa mga paaralang ito ay nasa Northern Mindanao, 10 sa Caraga, at isa sa Zamboanga Peninsula.

Sa tantiya ng DepEd, nasa P363.50 milyon ang kakailanganin para sa ipaayos ang mga napinsalang paaralan.

May 51 eskuwelahan din ang ginagamit bilang mga evacuation center ngunit posibleng nabawasan na umano ito ngayong Lunes.

Ipinahayag naman ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa ang kahandaan ng kagawaran na sumaklolo sa mga apektadong eskuwelahan maging sa mga mag-aaral at mga personnel nila. (Dolly Cabreza)

The post DepEd: P363M perwisyo ng Paskong baha sa mga iskul first appeared on Abante Tonite.