Driver, owner ng nagwalang SUV, sinuspinde

January 11, 2023 by No Comments

Nagpalabas na ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa may-ari at drayber ng SUV na umararo sa 12 sasakyan sa San Miguel Avenue, Barangay Wack Wack, Mandaluyong City, Martes ng umaga.

Ipinahaharap ang dalawang sakay ng Toyota Land Cruiser na may plakang NIX 307, na sina Josemaria Roldan, 19, at Dominador Braga, 43, sa tanggapan ng LTO Intelligence and Investigation Division (IID) sa East Avenue, QC sa Enero 16. Pinagsusumite rin ng LTO ng paliwanag ang dalawa.

Iniutos na rin ng IID ang 90-araw suspensyon at pagsuko ng kanilang lisensya.

Magugunitang nasa 13 driver at pasahero ang nasugatan matapos araruhin ng SUV ang 12 nakahimpil na sasakyan kamakalawa sa nasabing lugar. (Dolly Cabreza)

The post Driver, owner ng nagwalang SUV, sinuspinde first appeared on Abante Tonite.