Jessy takot malosyang

November 25, 2022 by No Comments

Pinag-usapan ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano ang kanilang mga plano tungkol sa binubuong pamilya, ang pagbubuntis ni Jessy at maging ang plano nila sa kanilang upcoming baby.

Ani Jessy sa vlog, magmula raw nang magbuntis siya kay Peanut, ang dami nang pagbabagong nangyari sa katawan niya.

Maliban sa pag-gain ng weight, nakaramdam din daw siya ng pamamanas kaugnay ng kanyang delikadong situwasyon.

Isa rin daw sa worry niya ay ang malosyang dahil expected na after sa pagbubuntis at panganganak niya ay mahihirapan na siyang maibalik sa dating porma ang kanyang pangangatawan.

Katunayan, gusto raw lang niyang magpaka-positibo dahil sa totoo lang ay ang dami niyang isinakripisyo para sa kanyang pagdadalang-tao.

Dagdag pa niya, inaayusan din daw niya ang kanyang sarili para naman hindi siya mag-mukhang haggard sa kanyang estado sa ngayon.

The post Jessy takot malosyang first appeared on Abante Tonite.