LTFRB dinikdik sa `dobleng singil’ ng mga TNVS

November 25, 2022 by No Comments

Kinuwestiyon ng isang grupo ng commuter kung paano kinukuwenta ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ipinataw na surge fee ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Ayon kay Ariel Inton ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, ipinagtataka nila kung bakit pinapayagan ng LTFRB ang dobleng singil na surcharge ng mga TNVS sa bawat kilometro at minuto ng biyahe ng mga nito

Aniya, pinagpapaliwanag na rin sa House committee on Metro Manila development ang LTFRB at ang isang TNVS service dahil sa patuloy umanong paniningil ng mahal ng kompanya sa mga pasahero.

“Kinakailangan ipaliwanag `yan, kahit nung nasa LTFRB ako `yan ang hinihingi namin, how do you compute `yung surge kasi ang sinasabi nila depende sa demand at supply ng sasakyan at a given time,” ayon kay Inton sa isang panayam.

“Kasi `yung flagdown rate, at saka fare per minute at per kilometer klaro, pero pagdating sa surge times 2 nung per kilometer at per minute, how do you apply the surge?” dagdag pa niya. (Dolly Cabreza)

The post LTFRB dinikdik sa `dobleng singil’ ng mga TNVS first appeared on Abante Tonite.