PBBM iaarangkada Kadiwa ng Pasko project sa Mandaluyong

November 15, 2022 by No Comments

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng Kadiwa ng Pasko project sa Mandaluyong City ngayong Miyerkoles, Nobyembre 16, 2022.

Layon ng proyekto na maibenta ang mgaprodukto ng mga magsasaka sa mas muranghalaga sa harap ng mataas na presyo ng mgabilihin ngayon sa bansa.

Ang konsepto ng Kadiwa project ay nabuoupang maibsan kahit papaano ang problema sainflation at makabili ang mga tao ng murangmga produktong pang-agrikultura lalo nangayong holiday season.

Kasabay ding magbubukas ang Kadiwa sites saiba’t ibang lugar sa bansa ngayong Miyerkoles, 11 rito ay sa National Capital Region, isa sa Tacloban City, isa sa Davao de Oro, at isa sa Koronadal City, South Cotabato.

Sa pamamagitan ng Kadiwa program ay matutulungan ang mga magsasaka at mgamangingisda na maibenta ang kanilang mgaprodukto na hindi na kailangang dumaan samiddleman at mabibili ito sa tamang presyoat magkaroon ng mas magandang kita.

Ang Kadiwa Center ay suportado ng iba’tibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Labor and Employment (DOLE). (Aileen Taliping)

The post PBBM iaarangkada Kadiwa ng Pasko project sa Mandaluyong first appeared on Abante Tonite.