PBBM sa mga APEC lider: Suportahan natin green economy

November 18, 2022 by No Comments

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kapwa lider na dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na suportahan ang Bio-Circular Green (BCG) Economy para sa mas matatag na hinaharap.

“Economies must leverage this opportunity to recalibrate policies to promote a green post-pandemic recovery,” sabi ng Pangulo sa 29th APEC Economic Leader’s Meeting Retreat Session sa Bangkok, Thailand.

Ang BCG Economy aniya ay naglalayong makagawa ng de kalidad na mga trabaho at mababawasan ang mga negatibong epekto ng COVID-19 pandemic.

Binanggit din ng Pangulo sa pulong ang hinggil sa Sustainable Finance Roadmap ng Pilipinas na ang layunin ay maisulong ang whole-of-government approach para mapanatili ang katatagang pampinansiyal at green policies.

Bahagi aniya ng prayoridad ng gobyerno ay mapabilis ang implementasyon ng Green Jobs Act at pagtatatag ng green jobs certification system, incentive schemes at makapag-isyu ng green bonds para sa infrastructure program. (Aileen Taliping)

The post PBBM sa mga APEC lider: Suportahan natin green economy first appeared on Abante Tonite.